John Cena, ibinahagi ang favorite breakfast niya na simple lang pero solve

Sourdough bread o baguette na may kasamang dalawang poached eggs at 200 ml na flat white coffee ang paboritong breakfast ni John Cena. Simple lang ang meal na ito at mabilis lang itong ihanda, ayon sa ulat.
Ang breakfast na ito ay may around 330 calories. Mayroon itong 35 grams ng carbohydrates, 12 grams ng healthy fats, at 20 grams ng proteins. Dagdag pa rito ang kape na nagbibigay sa kanya ng energy para sa natitirang bahagi ng umaga. Sinabi rin niyang marami na siyang napuntahang coffee shops sa iba't ibang panig ng mundo.
Health at Wellness
Sa edad na 49, nananatiling consistent si Cena sa pag-aalaga ng kanyang katawan. Aminado siya na mahilig siya sa strength training, fitness, at wellness, at ngayon ay focus na rin siya sa flexibility at mobility. Ayon sa kanya, Being a WWE superstar really takes its toll.
Kailangan na raw ng kanyang katawan ng mas maraming TLC dahil dumating siya sa punto na kailangan ng matinding sakripisyo para lang makapag-perform, at kailangan din ng malaking effort pagkatapos para maayos ang mga problemang dulot ng high-level performing.
The Ultimate Sandwich
Kapag gutom pa rin, may specific na ideal sandwich si Cena. Para sa kanya, dapat itong Italian-style na mix ng deli meats: turkey, turkey pepperoni, low-fat ham, Swiss cheese, maraming lettuce at vegetables, makapal na slice ng tomato, pickles, at konting spicy mustard sa pagitan ng dalawang slice ng high-protein wheat bread.
Sana all may ganitong disiplina sa pagkain, 'no? Kayo, anong breakfast niyo?
