Bea Millan-Windorski, tinawag na 'princess' ni Miss Universe 2025 Fatima Bosch

Kulang na lang ay yakapin ni Miss Universe 2025 Fatima Bosch ang ating Philippine delegate na si Bea Millan-Windorski sa sobrang paghanga niya rito. Tinawag pa ni Bosch na "princess" ang Filipino-American beauty queen sa isang video na shinare ni Adam Genato sa Instagram noong Nobyembre 18.
Ayon kay Bosch, napakaganda at napakabait ng delegado ng Pilipinas ngayong taon. Hindi lang si Bea ang pinuri ng queen dahil sinabi rin niyang napakababait ng lahat ng kandidata, at amazing din umano ang mga naging kaibigan niya noong kanyang taon.
Kasalukuyang lumalaban si Millan-Windorski para makuha ang korona mula kay Bosch at makuha ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas. Nakatakda ang coronation night ng 2026 Miss Universe sa Nobyembre 24 sa Puerto Rico, o Nobyembre 25 dito sa Pilipinas.
May kasabay na tea
Habang excited ang lahat para sa finals, biglang nag-drop ang TLC ng three-part docuseries na "The Crown of Deceit: Inside the Miss Universe Scandal." Nagsimula ito noong Nobyembre 12 at binabalikan ang mga kontrobersiyang bumalot sa pageant at sa organization nito.
May mga rebelasyon dito mula sa mga dating contestants, pageant insiders, at whistleblowers. Kasama na rito ang mga alegasyon ng rigging sa 2025 competition. Tinalakay din sa series ang mga notable moments at controversies sa kasaysayan ng Miss USA, na pagmamay-ari ng Miss Universe Organization.
Hanggang ngayon, wala pang public statement ang MUO tungkol sa mga alegasyong lumabas sa docuseries.
