Inigo Pascual, bago nang brand ambassador ng Crazy Curry

Kuhang-kuha ni Inigo Pascual ang fun at adventurous spirit ng Crazy Curry bilang kanilang first-ever brand ambassador. Hindi lang ito basta celebrity endorsement dahil simbolo raw ito ng ambisyon ng brand na mas lumago pa at maabot ang mas maraming tao gamit ang youthful energy at international appeal ni Inigo.
Ipinakilala ng Crazy Curry ang first and original Curry Fried Chicken sa bansa. Mula sa pagiging isang humble food venture, lumaki na ang brand at may network na ngayon ng mga stores sa Metro Manila at mga karatig na probinsya dahil sa kanilang affordable at innovative na menu.
Kasabay ng pagpasok ni Inigo, binubuksan na rin ng Crazy Curry ang pinto nila para sa mga aspiring entrepreneurs. Nag-aalok na sila ng franchising opportunities para sa mga gustong maging business partners at makatulong sa pagdadala ng kanilang unique dining concept sa iba't ibang Filipino communities.
Plano rin ng brand ang magkaroon ng nationwide expansion at mga bagong product launches at campaigns sa hinaharap. May dala na raw silang sapat na karanasan sa food industry at established supply chain para suportahan ang kanilang mga pangarap na lumaki pa.
Sino ba namang hindi makaka-relate sa glow up? Mula sa simpleng pangarap, ngayon ay isa na silang growing brand na handang sumabak sa mas malalaking oportunidad.
Sana lang ay kasing-sarap ng branding ang curry chicken nila, 'di ba?
