Jennylyn Mercado, gaganap bilang trans woman sa Magpakailanman

Handa na ang lahat para sa bagong acting challenge ni Jennylyn Mercado. Sa unang pagkakataon sa kanyang career, gaganap ang actress bilang isang transgender woman sa upcoming episode ng "Magpakailanman."
Pangungunahan niya ang episode na pinamagatang Mama’s Cradle: The Carina Suarez a.k.a. Francisco Suarez Story na ipapalabas sa November 21. Part ito ng 24th anniversary specials ng drama anthology kung saan si Jennylyn ang magsisilbing finale ng three-part special series.
Seryoso ang plot dito dahil susundan nito ang buhay ni Carina Suarez, o kilala rin bilang Francisco Suarez. Isang transgender woman at breadwinner si Carina na nahaharap sa isang terminal illness. Pero kahit mabigat ang kondisyon ng kanyang kalusugan, dito pumapasok ang heartwarming part: nakahanap siya ng comfort at fulfillment sa pag-aalaga ng mga hayop.
Kikiligin tayo sa unconditional love ng kanyang unang adopted dog na naging malaking bahagi ng buhay niya. Hindi lang basta pag-aalaga, dahil ipapakita rin ang pagsisikap ni Carina na magtayo ng isang animal sanctuary para sa mga abandoned dogs and cats. Let's be honest, siguradong iiyak tayo sa compassion ni Carina habang lumalaban sa sakit.
Ang anniversary specials ng Magpakailanman
Bago ang finale ni Jennylyn, may dalawa pang espesyal na kwento na dapat abangan sa November. Magsisimula ang celebration sa November 7 sa episode na Mag-ama, Reunited sa Bus: The Jinky Partolan Story. Dito, sina Caprice Cayetano, Katrina Halili, at Neil Ryan Sese ang bida sa kwento ng isang ama at anak na biglang nagkita sa bus sa Cavite matapos ang maraming taon na hindi pagkakaunawaan.
Pagdating naman ng November 14, si Bianca Umali naman ang magbibida sa Sunog na Mukha: The Rhea Gon Story. Tungkol ito sa isang babaeng nasalanta ang mukha sa isang accident, kaya naman kailangang harapin ang insecurity, heartbreak, at mga problema sa pamilya.
Ang lahat ng anniversary specials na ito ay mapapanood sa 8:15 p.m. sa GMA at available din via livestreaming sa GMA Play. Ready na ba ang mga tissues niyo para sa November?
