Choi Yena, pinag-uusapan dahil sa 'Sabrina Carpenter vibes' sa MMA

Naging sentro ng online debate ang South Korean soloist na si Choi Yena matapos ang kanyang performance sa 2026 Melon Music Awards (MMA). Agad kasi na napansin ng mga netizens ang striking similarities ng kanyang stage aesthetic sa signature style ni American pop star na si Sabrina Carpenter.
Nagsimula ang gulo matapos sumalang si Choi sa stage noong Sabado, November 14, sa Gocheok Sky Dome sa Seoul. Sa kanyang jazz-arranged performance ng “Catch Catch,” suot ng dating member ng IZ*ONE ang isang festive red dress na may prominent heart-shaped cutout sa gitna ng bodice.
Sa social media, mabilis na pinagtulad ang outfit ni Choi sa wardrobe ni Carpenter. Simula pa noong 2023, pinasikat na kasi ng “Espresso” hitmaker ang custom Frolov bodysuits at mini dresses na may eksaktong chest cutout na gaya nito.
Hindi lang sa damit nagtapos ang comparisons. Napansin din ng mga viewers na kasama sa stage setup ni Choi ang mga oversized, lip-shaped chairs. Point out ng marami na gumamit din si Carpenter ng halos kaparehong lip props noong performance niya sa BRIT Awards noong March 2025.
Habang kumakalat ang mga clips ng awards show sa mga Korean forums gaya ng TheQoo, lalong lumakas ang kritisismo. May mga fans na dinepensahan ang look bilang isang playful holiday tribute, pero marami rin ang nag-akusa sa singer na kulang sa originality. Let's be honest, medyo predictable na ang backlash lalo na't hindi ito ang unang beses na naging issue ang visual concepts ni Choi.
Nabuksan din kasi ng netizens ang usapin tungkol sa 2023 single niya na “Hate Rodrigo.” Noong panahong iyon, tinanggal ng agency niyang Yuehua Entertainment ang music video at humingi ng paumanhin matapos batikusin ng fans ang heavy borrowing nito sa visual concepts at branding ni Olivia Rodrigo.
Kahit maingay sa online, naging milestone night pa rin ito para kay Choi dahil nanalo siya ng trophy para sa Best Solo – Female sa nasabing ceremony. Wala pang statement si Choi o ang kanyang agency tungkol sa mga styling comparisons na ito, ayon sa ulat noong Lunes, November 16.
Kala mo naman may bagong trend, 'yun pala'n recycled na. Kayo, anong say niyo sa look na 'to?
