Heart Evangelista, kinilalang Fashion Icon sa Thailand

Overwhelmed sa pasasalamat si Heart Evangelista matapos niyang tanggapin ang Fashion Icon award sa Harper’s Bazaar Women of the Year 2026 sa Bangkok, Thailand nitong Miyerkules, Nobyembre 18.
Kahit mabilis lang ang trip niya sa Thailand para sa ceremony, ramdam na ramdam ang gratitude ng actress at fashion personality. Sa Instagram post niya ngayong Huwebes, Nobyembre 19, aminadong hindi niya inakalang makukuha niya ang award na ito. Sabi niya, Never in my wildest dreams did I imagine being recognized as Fashion Icon of the Year by Harper’s Bazaar Thailand!
Para kay Heart, isang "incredibly special moment" ito na itre-treasure niya habambuhay. Nagpasalamat din siya sa lahat ng suporta, pati na sa mga highs and lows na humubog sa kanya. Sabi pa niya, My heart is truly overflowing! Thank you, thank you, thank you! God is so good!
Sa kanyang acceptance speech, binalikan ni Heart ang younger years niya. Inamin niya na hindi siya "typical cool girl" noon at ang tanging hiling lang niya ay matutong mahalin ang sarili. Sinabi rin niyang ito ang kauna-unahan niyang award sa Thailand. Sabi niya, For me, it’s unimaginable. I am so grateful and in awe to be here with all of you.
Pero ang pinaka-relatable na part? Sa dulo ng kanyang video, sinabi niya ang linyang: May narating yung kaartehan ko. Sabi ko sayo e.
Siyempre, hindi ito ang tanging panalo ni Heart recently. Nitong Oktubre lang, siya ang lumabas na top celebrity voice sa New York Fashion Week (NYFW) para sa Spring/Summer 2027, kung saan tinalo pa niya sina Paris Hilton at Jung Hae-In.
Sino ba namang hindi mapapa-wow sa level ng confidence at style ni Heart? Deserve na deserve!
