Heart Evangelista at John Prats, magre-reunion sa isang movie!

Naghahanda na si Heart Evangelista, ang ating Global Fashion Icon, para sa kanyang bagong movie kasama si John Prats. Sa isang report noong Tuesday, November 3, na-tease ni Heart ang mga fans na marami silang makikitang "transformations" sa pelikulang ito dahil marami raw siyang ginawa na hindi pa niya nagawa noon.
Approve raw si Isabel Oli, asawa ni John, sa JoHeart loveteam. Sabi ni Heart, matagal na silang magkakaibigan ni Isabel mula pa noong bata sila, at masaya siyang makasama ang pamilya ni John sa trabaho.
From first love to director
Ang reunion film na ito ay ididirek mismo ni John Prats at nakatakdang lumabas sa February 2027. Nauna nang pinag-usapan ang dalawa matapos mag-post si Heart ng mga bagong photos nila sa Instagram. Nagkita rin sila para mag-lunch noong March, pati na ang pag-guest ni John sa "Heart World" kung saan inamin niya na siya ang first boyfriend ng actress.
Sino ba namang makakalimutan ang JoHeart? Sila ang isa sa pinaka-popular na love team noong early 2000s at nakasama na ang isa't isa sa "G-Mik," "Trip," "Ang Tanging Ina," "My First Romance," at "Berks." Bago ang movie, nagkasama na rin sila kamakailan sa music video ni TJ Monterde para sa kantang "Teka Lang."
