MAD PhilippinesMusika, showbiz at pop culture
Showbiz

Bakit tayo na-hook sa vertical dramas?

Isang genius heiress na si Linda Walker, billionaire husband na may double-life, mafia boss na nagpakasal sa isang mousy-looking nobody, o kaya naman ay powerful Alpha werewolf at ang kanyang Luna. Ito ang ilan sa mga tema ng vertical dramas—mga short-form at snappy micro-stories na mapapanood sa reels.

Sa mga vertical dramas, ang mga episode ay available via paywall o kaya naman ay kailangang manood muna ng ads. Karaniwang katangian ng mga bite-sized narratives na ito ang agresibong paggamit ng hooks at campy tropes. Halos lahat ng episode ay nagtatapos sa isang climactic note para siguradong mapapa-next episode ang mga viewers.

Sa totoo lang, binago nito ang storytelling formats na kinagiliwan ng mga Pilipino simula nung sumikat ang internet. Isang example ang Chinese vertical drama na “The Heiress Who Won With Brains.” Dito, naging social media sensation sa Pilipinas ang character na si Linda Walker, na ginampanan ng Chinese actress na si Zhang Yingfei. Ang intelligence ni Linda at ang kanyang mga dramatic confrontations ay naging laman ng mga memes at viral clips, at naging motivation pa nga ng ilang mga bata para mag-aral.

Kuwento ni Linda Walker ang pagiging isang mahirap na babae na lumabas palang tunay na anak ng isang mayamang pamilya. Nakuha niya ang atensyon ng lahat nang makakuha siya ng unbelievably high score na 719 points sa isang mock exam. Dahil sa exaggerated way ng pag-narrate at sa visibility ng streaming app sa iba't ibang social media platforms, naging screen sensation si Linda at naging star na rin ang actress na gumanap sa kanya.

Para kay director at producer Chris Cahilig na pioneer ng branded vertical series sa Pilipinas, ang vertical series ay isang storytelling format na defined by its presentation. Ayon sa kanya, ito ay base sa orientation at aspect ratio. Ang tinutukoy niya ay ang 9:16 vertical orientation na tailorfitted para sa mga smartphone users, imbes na ang traditional na horizontal widescreen.

Pagdating naman sa paggawa, ang vertical series ay pwedeng dumaan pa rin sa conventional filmmaking process. Ibig sabihin, may mga actors, directors, writers, cinematographers, at production crews pa rin kahit na ang final product ay para lang mapanood vertically sa phone.

Noong 2022, nilabas nina Cahilig ang world’s first branded vertical series na “52 Weeks.” Ang 36-episode series na ito ay pinagbidahan nina Queenay Mercado at Jin Macapagal, at dinirek ni Lemuel Lorca. Umabot ito ng more than 34.1 million views sa TikTok at nanalo bilang Best Social Media Campaign sa 2023 Hashtag Asia Awards.

Kuwento ni Cahilig, wala pang established formula noong nagsimula siyang gumawa ng vertical series. Hindi pa alam ng mga tao kung paano ito gagawin at walang camera na meant specifically for vertical filming. Sabi niya, nilalagyan pa nila ng linya ang camera para masilip. Dahil walang hardcore rules, sila na ang gumawa ng sarili nilang rules at nangapa sa proseso.

Nagulat ang filmmaker kung gaano kabilis nag-evolve ang format mula sa pagiging experimental storytelling tungo sa isang global industry. Multi-billion dollar industry na ito ngayon, lalo na sa China. Sabi ni Cahilig, nang pumunta siya sa Filmart, may isang supplier o production house na may mga 3,000 titles na mapagpipilian.

Para kay director Maki Javier, founder at creative and managing director ng KayaFlix—isang Filipino streaming platform para sa vertical-format micro-dramas at teleseryes—ang pag-usbong nito ay konektado sa paggamit ng mga Pilipino ng mobile devices. Dahil mas accessible na ang smartphones, Wi-Fi, at applications, nasanay na ang mga viewers sa shorter forms of content.

Pero ayon kay Javier, hindi ibig sabihin na maikli na ang attention span ay wala na tayong gana sa mga kuwento. Nandun pa rin ang craving ng mga Pilipino sa narrative dahil lumaki tayo sa mga teleserye at drama, kaya nasa DNA na natin ito. Ang vertical series ang nagsisilbing tulay para pagsamahin ang hilig sa drama at ang viewing habits sa smartphone.

Naniniwala rin si Cahilig na nagtatagumpay ang format dahil accessible ang entertainment at hindi kailangan ng major commitment of time. Sabi niya, madalas nating inii-intellectualize ang mga bagay, pero ang hanap ng masang Pilipino ay entertainment. Kahit predictable ang plot, exaggerated, o defies reason and logic, papanoorin pa rin ito basta nakakaaliw.

Sinuportahan naman ito ni director Crisanto B. Aquino, na may experience sa film at television. Sabi niya, central sa vertical series ang short length at cliffhanger-driven structure. Sabi niya, nagsimula ito sa TikTok na vertical, mabilis, at pwedeng i-swipe. Ang isang episode ay maaaring tumagal ng roughly one minute, pero structured ito para mapilit ang viewer na ituloy ang panonood dahil laging mataas ang dulo ng bawat episode.

May impormasyon mula sa mga pampublikong mapagkukunan, Wikipedia, YouTube, Instagram at TikTok.