Andrea Brillantes, hindi raw kailangan ng mayaman na partner dahil mayaman naman na ako

Hindi raw mahalaga kay Andrea Brillantes kung mayaman ang magiging partner niya dahil financially stable na siya at kaya na niyang tustusan ang sarili. Sa guest appearance niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Oct. 30, nilinaw ng aktres na mas priority niya ang kasipagan kaysa sa pera.
Sa totoo lang, ang importante sa akin ay masipag, hindi mayaman, ani Andrea. Aminado siya na marami na siyang nakikilalang mayayaman dahil sa trabaho niya sa industriya, pero let's be honest, wala raw sa kanila ang nakaka-impress sa kanya.
Kuwento pa niya, dahil hindi naman siya lumaking mayaman, mas gusto niya ang taong relate siya. Para sa kanya, ang hanap niya ay 'yung may lalim, sipag, at direksyon sa buhay. Hindi raw siya nagde-date para lang yumaman kasi kaya naman niyang ibigay ang lahat ng kailangan niya. Ang gusto raw niya ay lalaking may drive at direksyon.
Yung yaman, it doesnt really matter to me kasi mayaman naman na ako. Kaya ko naman. ‘Yun naman ang importante, dagdag pa niya.
Siyempre, hindi naman papayag si Boy Abunda na hindi sumang-ayon. Sang-ayon ang host sa pananaw ni Andrea, at sinabi niyang may karapatan itong sabihin iyon dahil sa pagsisikap nito mula pagkabata para maabot ang kinalalagyan niya ngayon.
Kasalukuyan ngang nasa isang relasyon si Andrea sa athlete at internet personality na si Pankie Capistrano.
Slay ang energy! Sino ba naman ang hindi hahanga sa babaeng hindi kailangan ng sugar daddy kasi siya mismo ang sugar?
