Calix Esguerra, sinuportahan ng mga pageant kings matapos ma-evict sa PBB

Hindi man pinalad si Calix Esguerra na manatili sa Pinoy Big Brother: Collab Edition 3, hindi naman siya nag-iisa sa gitna ng bashing. Sumama ang tatlong reigning titleholders ng Misters of Filipinas para ipagtanggol ang dating national crown holder na ito laban sa mga kritisismo ng mga viewers.
Para kay Reyes, masyadong mabilis humusga ang mga tao, lalo na sa social media, at dapat ay may boundaries pa rin kahit may karapatang pumuna. Sinang-ayunan naman ito ni Caringal na nagsabing hindi lahat ng nakikita ay ang buong kwento, kaya dapat ay bigyan ng second chance ang bawat isa dahil hindi dapat i-judge ang tao sa isang pagkakamali lang.
Sinuportahan din ni San Diego ang character ni Calix at pinaalala na 19 years old pa lang ito kaya marami pa siyang dapat matutunan at room for improvement. Ayon pa rito, naging nice guy at mabuting tao si Calix noong nagkasama sila sa competition.
Nakakuha siya ng 15 points mula sa mga housemates noong first nomination night. Naging kontrobersyal din siya nang halikan ang kamay ni Gehlee Dangca nang walang consent noong screen test, bagama't humingi naman siya ng paumanhin. Ibinaba rin niya ang kanyang pantalon sa harap ng mga kasama habang sinusubukan i-hurdle ang isang challenge.
Noong first eviction night, 1.6 percent lang ang nakuha niyang boto, habang si Ethan Benares naman ay nakakuha ng 28.7 percent. Ligtas naman sina Primo Alterado, Nicole Fortuna, Nathan Garcia, at house guest na si Mikee Quintos.
Bago pa man pumasok sa reality show, nakilala na si Calix nang sumali sa 2025 Misters of Filipinas at kalaunan ay naging Mister Teen of the Universe Philippines.
Matapos ang pag-alis nina Calix at Benares, may apat na bagong housemates na pumasok sa bahay noong Nov. 15: sina Daniela Straner, Allen Ansay, Lorelaine Sañosa, at Ronnie Pasamba.
