Bubble Gang fam, nag-all out sa birthday ni Chariz Solomon

Bumuhos ang mga pagbati para sa comedienne na si Chariz Solomon na ipinagdiriwang ang kaniyang kaarawan tuwing August 22. Sunod-sunod ang mga mensahe sa social media mula sa kaniyang malalapit na kaibigan at mga kasama sa show na 'Bubble Gang'.
Sa post ni Valeen Montenegro, binanggit niya na kahit maikli pa lang ang panahon na magkakilala sila, puro good vibes at positive aura na agad ang nakuha niya kay Chariz. Bilib din si Valeen kung paano nananatiling fresh at blooming ang actress, kahit noong buntis pa ito kay Ali.
Nakisali rin si Andrea Torres at tinawag na napakaganda niyang B friend si Chariz. Sabi pa ni Andrea, nakakahappy ang kanilang dressing room ngayong araw.
Nagpasalamat din si Arny Ross kay Chariz sa lahat mula pa noong Day 1. Nabanggit din niya ang mga bulaklak mula kay Kuya Nestor. May pabaon pa siyang message para sa actress na nakasulat sa isang paper bag.
Isa pang pagbati ang Happy Birthday and more power, Kababol! Aminin natin, nakaka-inggit 'yung ganyang support system sa work, 'di ba? Sana all may mga ka-trabahong ganito ka-sweet!
