Will Ashley, nag-effort sa birthday message para kay Mika Salamanca

Umapaw ang pagbati mula sa mga mahal sa buhay at netizens para kay Mika Salamanca na nag-celebrate ng kanyang ika-26 na kaarawan.
Isa sa mga pinaka-sweet na bati ay galing sa kanyang Delivery Boi co-star at suitor na si Will Ashley. Nag-post ang Sparkle actor sa Instagram ng mga litrato kung saan karga-karga niya si Mika, kasama ang isang mensaheng talagang nakakakilig.
Sabi ni Will, Happy birthday to the girl who makes my world more beautiful just by being in it. I never knew home could be a person until I found you. I hope the world sees the goodness in your heart the same way my eyes see it in you.
Sa kanyang Instagram stories naman, nagpasalamat si Mika sa lahat ng mga bumati sa kanyang special day. Grabe ang banat ni Will, parang wala nang bawian sa panliligaw na 'to, 'di ba?
