Glaiza De Castro, naghahanda na para sa 'biggest workout' ng buhay niya

Handa na raw si Glaiza De Castro para sa 'biggest workout' ng buhay niya. Sa isang Instagram reel, pinakita ng Sparkle actress ang sarili niyang nag-wo-workout sa gym para unti-unting mabalik ang kanyang pre-pregnancy routine.
Aminado ang actress na hindi lang pisikal ang pagbabagong dala ng pagbubuntis kundi pati na rin sa emosyonal at mental na aspeto na madalas ay hindi napag-uusapan. Kaya naman, sinusubukan niyang makinig sa kanyang katawan at hanapin ulit ang kanyang rhythm habang nag-a-adjust.
Kulang na lang ng ilang buwan bago niya makilala ang kanyang baby, kaya target ni Glaiza na ihanda ang kanyang isip at katawan para sa childbirth. Kahit hindi niya alam kung gaano kasakit o ka-intense ang experience, gusto niyang maghanda through breathing, body awareness, at pag-aaral kung paano mananatiling calm at in control.
Kamakailan lang, na-surprise din si Glaiza ng isang baby shower na inorganisa ng kanyang celebrity friends na sina Angelica Panganiban at Kean Cipriano.
Nag-umpisang mag-share ng photos ng kanyang baby bump si Glaiza noong September para i-announce ang kanyang pregnancy. Matatandaang ikinasal siya at si David Rainey sa Northern Ireland noong 2021, at nagkaroon pa sila ng second wedding ceremony sa Botolan, Zambales noong 2023.
Sana all may ganitong level ng discipline kahit buntis, 'di ba? Kayo, handa na rin ba kayo sa workout niyo today?
