Ate Girl Jackie Gonzaga, official Calendar Girl na ng Ginebra San Miguel for 2027

Slay ang ating Ate Girl! Pormal nang ipinakilala si Jackie Gonzaga, host at dancer ng "It's Showtime," bilang Ginebra San Miguel Calendar Girl for 2027 sa isang launch event sa Diamond Hotel Manila noong Huwebes ng gabi, 12 Nobyembre.
Para kay Jackie, isang fantasy na naging reality ang milestone na ito. Aminado siyang touch at masaya dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon. Hindi lang ito personal win para sa kanya, kundi panalo rin para sa lahat ng sumuporta sa kanya throughout the years.
Six sides of Jackie
Ang campaign ay pinamagatang Sulyap o Glimpse. Hindi lang ito basta traditional calendar shoot dahil focus nito ang individuality at self-expression. May anim na layouts ang campaign na nagpapakita ng iba't ibang sides ng personality ni Jackie.
Sa mismong launch, ipinakita ang anim na layouts sa pagitan ng mga production numbers. Ipinangako ni Jackie na magiging puno siya ng sorpresa at agaw-eksena. Pagdating sa paborito, pinili ni Jackie ang layouts para sa Ginebra San Miguel Premium Gin, Vino Kulafu, at Ginebra San Miguel Blue bilang top three picks niya. Hindi rin basta-basta ang effort dahil kasama sa shoot ang mga gym workouts at pole dancing.
Next goal: Acting
Simula noong 2015 pumasok si Jackie sa entertainment industry, kung saan nag-transition siya mula sa pagiging dancer patungong TV hosting. Kilala siya sa pagiging candid at down-to-earth, habang nananatiling isa sa mga dancers ng "It's Showtime."
Ngayong official na siyang Calendar Girl, hindi pa rito hihinto si Jackie. Sinabi niya sa mga reporters na gusto na rin niyang sumubok sa acting soon. Open siya sa kahit anong role.
Sana all may sulyap na ganito ka-fierce, 'di ba?
