MAD PhilippinesMusika, showbiz at pop culture
Entertainment

Anthony Constantino, pumasok na sa bahay ni Kuya bilang 'Total Dream Heartthrob ng USA'

Pasok na sa bahay ni Kuya ang Sparkle artist na si Anthony Constantino noong October 24. Hindi naman siya basta-basta pumasok dahil dala niya ang titulong "Total Dream Heartthrob ng USA".

Laking Los Angeles, California ang model at actor na ito, Sa kanyang reveal, kinuwento niya na galing siya sa pamilyang big deal ang education, discipline, at hard work. Dahil dito, kumuha siya ng degree sa business administration at computer information systems.

Pero hindi lang naman puro libro ang focus ni Anthony. Aminado siyang mahilig siya sa sports at pag-gym. Basketball ang favorite niya, at nakuha niya raw itong passion mula sa tatay niya na isa ring basketball coach.

Kaso, iba ang piniling landas ni Anthony dito sa Pilipinas. Two years ago, nag-take siya ng leap of faith at pumasok sa mundo ng modeling sa bansa. Aminado rin siya na medyo mabigat sa loob ang malayo sa pamilya habang hinahabol ang pangarap. Para sa kanya, ang pag-pursue ng career dito ay may kapalit na lungkot dahil malayo siya sa mga taong pinakamahalaga sa kanya.

Sana lang ay hindi siya masyadong ma-homesick sa loob ng bahay para ma-enjoy natin ang charisma ng ating USA heartthrob. Kayang-kaya kaya niya ang pressure sa loob?

May impormasyon mula sa mga pampublikong mapagkukunan, Wikipedia, YouTube, Instagram at TikTok.