Spooky season sa sinehan: Ano ang papanoorin mula Oct. 29 hanggang Nov. 5?

Sakto sa pagdating ng Halloween ang lineup sa mga sinehan mula October 29 hanggang November 5, 2026. Kung hanap niyo ay kilabot at suspense, available na ang Late Night with the Devil na umiikot sa isang terrifying live television broadcast. Para naman sa mga mahilig sa dark fantasy, nandiyan ang Clayface tungkol sa tragic transformation at revenge quest ni Matt Hagen.
Hindi rin papahuli ang local films dahil may Red Crown mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs. Psychological tension at madidilim na lihim ang focus ng gripping mystery na ito, kaya perfect kung gusto niyo ng suspense na gawang Pinoy.
Para naman sa mga hindi masyadong trip ang horror pero gusto pa rin ng supernatural, pwedeng panoorin ang BLOOD SAGA ng ENHYPEN. Dala nito ang kanilang vampire-inspired universe na may kasamang intense choreography at dramatic visuals sa big screen. Pwede ring balikan ang ENHYPEN's NEW_ Encore concert na ginanap noong April 2026 sa Incheon.
Kung gusto niyo naman ng vibe na pang-concert, may special 3D cheering screening na tampok ang music videos ng BTS, SEVENTEEN, TOMORROW X TOGETHER, LE SSERAFIM, at iba pang HYBE artists.
Kayo, anong movie o concert film ang papanoorin niyo para sa Halloween?
