David Licauco, kinakabahan na ba sa 'Fight For My Way' role niya?

Aminado si David Licauco na nakakaramdam siya ng pressure para sa kanyang role sa Philippine adaptation ng 2017 K-drama na "Fight For My Way". Ayon sa report ni Nelson Canlas noong Miyerkules, October 28, naniniwala ang Sparkle star na nakakatulong ang pressure na ito para mas pagbutihin at pag-igihan ang kanyang trabaho.
Sabi ni David, There is some pressure but I think it's good to have pressure so you would do even better, work harder in what you do, right? So my responsibility is to prepare.
Kaya naman seryoso ang paghahanda ng actor, kabilang na ang pag-training sa taekwondo at mixed martial arts (MMA). Aniya, malaki ang naitulong ng Hyrox sa kanyang taekwondo training dahil nagkaroon sila ng real sparring. Inamin din niya na kung hindi siya nag-workout, malamang ay hindi siya tatagal kahit dalawang rounds lang.
Ang original na series ay pinagbidahan nina Park Seo Jun, Kim Ji Won, Ahn Jae Hong, at Song Ha Yoon. Sa local version naman, makakasama ni David si Ashtine Olviga bilang katambal, kasama sina Aubrey Caraan at McCoy De Leon. Ang series ay ididirek ni Crisanto B. Aguino at mapapanood sa Viva One.
Bago ito, napanood natin si David sa GMA Prime series na "Never Say Die" kasama si Jillian Ward. Si Ashtine naman ay kamakailan lang nanalo bilang Best Actress sa Manila International Film Festival para sa kanyang acting sa "Manila's Finest".
Kaya na nga ang training, ‘no? Sana all motivated na mag-MMA!
