Poison Ivy showdown: Sarah Lahbati at Barbie Imperial, nag- clash sa Halloween looks

Nagkaroon ng matinding online comparison matapos magpakitang-gilas sina actress-model Sarah Lahbati at Kapamilya star Barbie Imperial sa kani-kanilang Poison Ivy costumes.
Noong October 29, 2026, rumampa si Barbie sa The New Nocturnals Halloween Party o Opulence Ball kasama ang kanyang boyfriend na si actor Richard Gutierrez, na estranged husband naman ni Sarah. Todo-awra si Barbie sa kanyang modern Poison Ivy look at may caption pa sa social media na, I am the poison baby, you know you can't kill me!
Pero hindi nagpatalo si Sarah dahil isang araw lang ang lumipas, noong October 30, 2026, nag-share siya ng Instagram Story. Throwback photo ito ng sarili niyang Poison Ivy look noong 2013 na may kasamang caption na, Throwback to when I still had the energy lol. 2013!
Dahil sa timing ng posts at sa koneksyon nila kay Richard, agad itong pinansin ng mga netizens at nauwi sa who wore it better showdown. Bagama't walang official confirmation kung intentional shade ito, tingin ng maraming fans ay isang subtle reminder ni Sarah na nauna siyang nagsuot ng iconic DC Comics villain costume.
Hindi lang sa costume ang bakbakan
Hindi ito ang unang beses na naging topic ang dalawa. Kaninong buwan lang, napansin ng online community si Sarah nang tanungin siya kung sino ang mas nakakatakot na doll para sa kanya: si "Barbie" o si "Annabelle."
Pinili ni Sarah si Annabelle dahil sa unpredictability nito, habang ang Barbie naman daw ay "ganda lang." Maraming netizens ang nag-interpret na patama ito kina Barbie Imperial at sa nanay ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama.
Pagkatapos nito, nag-post si Barbie ng video kung saan nagpapraktis siyang magpaputok ng baril na may caption na "Eyes on target." Para sa mga netizens, ito na raw ang naging sagot ng Kapamilya star sa sinabi ni Sarah.
Kayo, sino ang mas bet ninyong Poison Ivy, ang modern look o ang classic throwback?
