Rocky, magpaparamdam na sa Manila ngayong December

Confirmed na, mga bestie! Bibisita si Rocky sa Manila para sa kanyang Fake It fan concert sa December 20. Gaganapin ang event sa Samsung Hall sa SM Aura, Taguig City, base sa announcement ng Dark Star Entertainment.
Sa ngayon, wala pang chika tungkol sa ticket details at iba pang impormasyon, kaya stay tuned muna tayo. Para sa mga hindi pa updated, si Rocky ay dating member ng boy group na Astro at ng sub-unit na Jinjin & Rocky bago siya nag-solo.
Lumabas din ang latest EP niya na “Unsaid” noong August, kung saan nandoon ang mga tracks gaya ng “Fake It,” “Jaywalking,” at “Hide and Seek.” After niya i-release ang debut solo EP na “Rockyst” noong 2023, mukhang ready na talaga siyang i-serve ang performance energy niya rito sa Pinas.
Sino rito ang mag-aabang sa tickets? Ihanda na ang budget para hindi maiwan sa pila!
