Maricel Soriano, McCoy de Leon, at Maris Racal, wagi sa Famas 2026

Nagningning ang mga paborito nating stars noong Martes, October 27, sa 74th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (Famas) Awards. Hindi nagpahuli si Maricel Soriano na hinirang bilang Best Actress para sa role niya sa “Meet, Greet, Bye.”
Kudos din kay Maris Racal dahil siya ang kauna-unahang nakakuha ng Actress of Distinction award dahil sa performance niya sa “Sunshine.” Deserve na deserve ang recognition para sa ating girl!
Sa side naman ng mga leading men, McCoy de Leon ang nag-uwi ng Best Actor trophy para sa pelikulang “In Thy Name.” Hindi lang si McCoy ang panalo rito, dahil nakuha rin ng “In Thy Name” ang Best Picture, Best Director para kay Cesar Soriano, at Best Visual Effects para kay Gaspar Mangain.
Siyempre, hindi rin pwedeng kalimutan ang “Quezon” na humakot naman ng apat na awards sa nasabing ceremony. Grabe ang lineup ng winners, pero sa tingin niyo ba ay nakuha ng tamang pelikula ang Best Picture?
