Maki, extending contract sa ABS-CBN Music; may world tour at lightstick na sa 2027

Kumpirmadong Kapamilya pa rin si Maki after he officially renewed his contract with ABS-CBN Music. Sa ginanap na "Into the White: A Space for Everything Yet to Come" contract signing and trade launch, ibinida ng singer-songwriter ang kanyang massive plans for 2027, kabilang na ang mga bagong records, international concerts, at fan merchandise.
Para sa mga music fans, asahan ang paglabas ng EP na "KOLORCOASTER Shades" sa 2027, na susundan naman ng deluxe album na "KOLORCOASTER Hue". Hindi rin hihinto ang kanyang "KOLORCOASTER" world tour pagpasok ng 2027; tutuloy ito sa Auckland, New Zealand, pati na sa Sydney, Melbourne, at Perth sa Australia sa darating na April. Magkakaroon din ng mga dates sa U.S. at Canada later that year.
After ng kanyang sold-out performances sa "KOLORCOASTER" at "KOLORCOASTER: One More Ride", nag-tease din si Maki ng isang major concert na tatawaging "KOLORCOASTER: One Last Ride".
Lifestyle at Merch for Zushis
Hindi lang music ang focus ni Maki dahil papasok na rin siya sa lifestyle space. Magbubukas siya ng sariling store na "Kilala" at maglalabas ng collectible merchandise via Kimerch. Ang pinaka-exciting para sa fandom na Zushis? Magkakaroon na sila ng official lightstick na pinangalanang Taladorki.
Chart-topping success
Sa mismong event, binigyan si Maki ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) ng anim na certifications para sa kanyang chart success. Nakuha niya ang Platinum Record award para sa "Namumula", Double Platinum para sa "Kahel na Langit", Triple Platinum para sa "Saan?", Gold EP award para sa "Tanong", Gold Album award para sa "KOLORCOASTER", at Diamond Record award para sa "Dilaw".
Nagpasalamat si Maki sa kanyang team at nagpasalamat sa lahat ng pagmamahal, at sinabing tinulungan siya ng ABS-CBN Music na matupad ang kanyang mga pangarap. Dumalo rin sa signing sina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, ABS-CBN Music and Integrated Events head Roxy Liquigan, content and operations head Jonathan Manalo, at Tarsier Records label head Marey Garcia.
Naalala ni Liquigan na five years ago niya unang nakilala si Maki at agad na napansin ang talent nito bilang songwriter at composer. Para naman sa mga media guests at trade partners, nag-perform si Maki ng ilang hits gaya ng "Abelyana", "Kahel na Langit", "luck", "Habangbuhay Pansamantala", at "Dilaw".
Ready na ba ang budget niyo for the world tour and Taladorki lightstick?
