Luningning, nag-birthday with baby bump!

Double celebration para kay Luningning! Nag-birthday ang former noontime dancer na si Lea Carla Santos kamakailan at hindi lang cake ang highlight kundi ang kanyang growing baby bump. Sa edad na 43, inaasahan na niya ang kanyang unang anak kasama ang asawang si John Gonzaga.
Kuhang-kuha ang emosyon ni Luningning sa social media kung saan inilarawan niya ang pagbubuntis bilang isa sa pinaka-meaningful na blessings na natanggap niya. Para sa kanya, the blessing of becoming a mom for the first time ay isang miracle at dream na hindi niya inakalang mangyayari sa ganitong paraan, pero naniniwala siyang perfect ang timing ng Panginoon.
Sabi pa niya, mas special ang birthday na ito dahil hindi lang dagdag na taon ang sinecelebrate niya kundi pati na rin ang bagong chapter ng buhay niya. My greatest blessing is yet to come, pagbabahagi niya habang nagpapasalamat sa regalong ito.
Hindi rin nakalimutan ni Luningning pasalamatan ang kanyang pamilya, partikular na ang kanyang tatay at sister na si Alleah, dahil sa pag-arrange ng kanyang celebration. Talagang punong-puno ng love ang vibes ng birthday niya.
Kasal na sina Luningning at John simula noong 2024. Noong September, in-announce nila na expecting na sila, at sinabing Our family is growing, and our hearts are full. Noong nakaraang buwan, nagkaroon sila ng intimate gender reveal kasama ang mga loved ones at nalaman nilang baby boy ang kanilang baby. Ayon sa post ni Luningning, ito ang sweetest reveal of our greatest blessing.
Kilala natin si Luningning bilang isa sa mga iconic dancers ng isang dating noontime show kasama sina Milagring at Mariposa. Pero hindi lang sayaw ang alam niya dahil fitness instructor, choreographer, at pole and aerial dance instructor din siya. Siya rin ang owner at managing director ng Stardanz Fitness Studio.
Noong 2025, nagpakitang-gilas ulit siya nang mag-reunite sa mga fellow dancers niya para sa second season ng "Rainbow Rumble." Kasama niya sa show sina Mariposa, April "Congratulations" Gustilo, Saicy Aguila, at Monette Jimenez.
Sabi nga ni Luningning, ang pagiging nanay ay isang pangarap na dumating sa tamang panahon. Congrats, Mommy Luningning!
