John Arcilla, mas takot pa sa korap kaysa sa horror movies

Aminado ang actor na si John Arcilla na hindi siya fan ng scary movies. Kahit bahagi na ng kanyang career ang mga horror films, boring daw para sa kanya ang manood nito dahil alam niyang "directed" ang mga eksena at nilalabanan niya ito.
Sa mini press conference para sa “Haunted Carnival” noong Nobyembre 11 sa Quezon City, sinabi niya, Hindi ako fan ng scary movie. But I can do that. Kasi mas gusto kong ako yung gumagawa ng nakakatakot na bagay.
Pero kung horror movies ay hindi niya kinatatakutan, may mga bagay sa totoong buhay na talagang nagbibigay sa kanya ng kaba. Para kay John, mas nakakatakot ang mga tao na ang mga aksyon ay naglalagay sa panganib sa buhay ng iba, partikular na ang mga mamamatay-tao at mga korap.
Binanggit niya ang corruption sa flood-control projects bilang halimbawa. Para sa kanya, mas nakakatakot ito dahil yung mga korap nakakapatay ng tao. Dagdag pa niya, libo-libong tao na raw ang namatay sa flood control. Mas takot siya sa mga ganitong tao dahil hindi niya alam kung kailan siya babanatan ng mga ito.
Ang “Haunted Carnival” ay ang entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2026. Ito ang ikatlong installment ng “Haunted” movie franchise, kasunod ng “Haunted Mansion” (2015) at “Haunted Forest” (2017). Mapapanood ang pelikula sa mga sinehan simula Disyembre 25.
Sabi nga natin, iba talaga kapag reality check ang usapan. Mas nakakatakot talaga 'yung mga horror stories na nangyayari sa labas ng sinehan kaysa sa mga jumpscare sa screen, 'di ba?
