Kim Chiu, pagod na sa fake news; magdedemanda na raw

Plano nang gumawa ng legal action ni Kim Chiu laban sa mga nagkakalat ng fake news at mga taong nangingialam sa privacy niya. Lumabas ang mga rumors na buntis daw ang actress-TV host, kaya naman nabasag niya ang katahimikan via X (dating Twitter).
Kaso raw ang tinitingnan ng legal team niya para sa mga individuals at platforms na nagpapakalat ng malisyosong rumors. Binanggit niya ang Article 26 ng Civil Code of the Philippines, kung saan pwedeng maging criminally liable ang sinumang nakikialam sa private life o pamilya ng ibang tao.
Kwestyonable rin para kay Kim ang mga unverified posts na nagsasabing pumunta raw siya ng Canada para itago ang kanyang pagbubuntis. Matatandaang huling nakita ang "It’s Showtime" host sa noontime show noong September.
Integrity over monetization
Seryoso ang 36-year-old actress sa pagpuna sa mga digital creators na gumagawa ng fake personal dramas para lang humakot ng views. Sabi niya, Creating narratives about someone’s life you barely know, just to make a story more interesting for monetization. Para sa kanya, hindi dapat kapalit ng peace at dignity ng isang tao ang pagkita ng pera.
Naniniwala si Kim na kahit public figures, deserve pa rin ang basic respect. Para sa kanya, ang freedom of expression ay may kasamang responsibility, at hindi obligasyon ng mga celebrity na magpaliwanag sa publiko tungkol sa lahat ng private matters nila.
Movie and love life
May kumakalat na rumor na karelasyon niya ang fellow Kapamilya actor na si Paulo Avelino, pero wala pa silang kinukumpirma. Nagkataon namang magkasama sila sa pelikulang "A Perfect Marriage" na tumatalakay din sa issue ng motherhood. Ang movie na ito ay isa sa walong entries para sa 52nd Metro Manila Film Festival.
Sana all may legal team na ready rumesbak sa mga chismosa sa internet, 'no?
