Apl.de.Ap, target ang pagtatanim ng 380 million trees sa Pilipinas

Seryoso sa agroforestry si Apl.de.Ap dahil target niyang magtanim ng 380 million trees sa buong Pilipinas. Layunin ng initiative na ito na ibalik ang sigla ng mga degraded farmlands, isulong ang sustainable farming, at bigyan ng mas magandang economic opportunities ang mga magsasakang Filipino.
Nagsimula ito bilang campaign para sa 100 million coconut trees, pero lumaki ang vision. Ngayon, kasama na sa program ang pagtatanim ng iba pang high-value crops gaya ng cacao, coffee, at moringa para hindi lang iisang crop ang inaasaan ng mga farmers.
Ang strategy rito ay agroforestry, kung saan pinagsasama ang mga puno at agricultural crops sa isang area para maging mas resilient ang produksyon sa mga environmental challenges at mas lumaki ang kita mula sa lupa.
Mula Pampanga hanggang Global Stage
Ayon sa feature ng Vogue Philippines noong December 2025, ang unang phase ng project ay maaaring maka-cover ng humigit-kumulang 700,000 hectares sa mga major islands ng bansa. Personal na misyon ito para kay Allan Pineda Lindo, ang tunay na pangalan ni Apl.de.Ap, dahil lumaki siya sa isang farming family sa Pampanga at nakatulong siya sa kanyang lola sa kanilang farm noong bata pa siya.
Gustong ipakita ni Apl.de.Ap na ang agriculture ay hindi lang basta tradisyunal na hanapbuhay. Gusto niyang hikayatin ang mga kabataan na makita ito bilang isang sector na may space para sa innovation at entrepreneurship.
Sa pamamagitan ng diversified agricultural production, magkakaroon ang mga farmers ng multiple harvests at income streams habang nakakatulong sa soil restoration at climate resilience. Isang malaking move ito para pag-isahin ang environmental protection at economic progress sa bansa.
Kaya naman itong 380 million trees ay hindi lang basta reforestation campaign, kundi isang vision para sa mas greener na landscape at sustainable na future para sa mga Pinoy farmers.
Sino ang mag-aakalain na ang Black Eyed Peas ay may 'green thumb' din?
