Alden Richards, rumampa sa closet sale ni Heart Evangelista

Siyempre, hindi papahuli si Alden Richards sa pag-support kay Heart Evangelista sa katatapos lang na "Heart & Friends Closet Party" Part 2. Ginanap ang event noong October 18 hanggang October 19, 2026, sa Metrowalk Convention Center sa Pasig City.
Sari-saring pre-loved clothes, luxury bags, sapatos, at accessories mula sa personal collection ni Heart at ng kanyang mga close friends ang ibinenta sa bazaar na ito sa discounted prices. Para kay Heart, way ito para i-promote ang sustainable lifestyle at tumulong sa iba't ibang good causes.
Ayon kay Alden, dumalo siya sa event na hino-host ni Heart, na itinuturing niyang close friend. Sabi naman ni Heart, naging magkaibigan sila dahil pareho silang pet lovers. Madami kaming in common. Mahilig siya magpulot ng aso. So, 'yan nakakuha na naman siya ng aso, saad ng actress-host.
Para kay Alden, mahalaga sa kanilang friendship ang pagkakaroon ng connection at similarity sa energy. Dagdag pa niya, So, things in common. You know, 'yung energy kasi ng mga tao, I think that's what really matters. 'Yung connection kasi. Ani Alden, may mga moments na "unspoken" at kumportable sila sa isa't isa.
Samantala, nakakuha ng atensyon ng online community ang post ni Alden tungkol sa kanyang scholar na nag-graduate bilang magna cum laude. Isa lang ito sa maraming scholars na tinutulungan ng aktor sa pamamagitan ng AR Foundation at maging bago pa ito itatag. Ginagawa ito ni Alden dahil alam niya ang halaga ng edukasyon para sa mga less fortunate students.
Sana all may ganyang connection, 'no? Kayo, anong luxury item ang hihintayin niyo sa next closet sale?
