Multwoh (Patay na Patay Sa'yo), papasok na sa mga sinehan

Nag-uwi ng apat na parangal ang pelikulang “Multwoh (Patay na Patay Sa'yo)” ni Director Rodina Singh pagkatapos ng debut nito sa Puregold CinePanalo Film Festival. Bitbit ng pelikula ang apat na major honors: Always Panalo Award, Panalo sa Manonood, Panalo sa Production Design, at Panalo sa Brand Intrusion.
Nakakuha rin ng individual acting nominations ang lead actors na sina Sassa Gurl at Joao Constancia. Pinuri ni Rod Magaru ang comedic timing at energy ni Sassa Gurl, habang grounding performance naman ang hatid ni Constancia.
Pagdating naman sa kwento, bet na bet ng mga critics ang pag-handle ng movie sa queer identity and acceptance. Para kay Philbert Dy, warm at authentic ang pagpapakita ng iba't ibang forms ng acceptance mula sa mga characters. Binigyan din ito ni Saul de Jesus ng five-star review, at tinawag itong funny, visually thoughtful, and intricate. Para sa kanya, nakuha ng film ang balance kung saan nananatiling accessible ang queer perspective pero may narrative depth pa rin.
Matapos ang festival run nito, nakakuha ang pelikula ng mas malawak na theatrical distribution. Nakatakdang ipalabas simula Oct. 21 ang “Multwoh (Patay na Patay Sa'yo)” sa 13 Ayala Malls Cinemas nationwide.
Kasama sa listahan ng mga sinehan ang Glorietta, Trinoma, Market! Market!, Fairview Terraces, Ayala Malls Manila Bay, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Cloverleaf, Ayala Malls Marquee, Ayala Malls Harbor Point, Ayala Malls Center Cebu, Ayala Malls Centrio, at Ayala Malls Central Bloc.
Kailan kaya tayo makaka-watch party nito?
