Bea Alonzo, nagningning sa red outfit para sa kanyang 39th birthday

Slay na slay ang look ni Bea Alonzo sa kanyang 39th birthday celebration kasama ang asawang si Vincent Co at iba pang loved ones. Naka-red outfit ang Kapuso actress para sa isang intimate party kung saan kasama niya ang kanyang pamilya at close friends.
Saktong timing din ito dahil kakatapos lang mag-open ni Bea ng unang physical store ng BASH, ang kanyang travel and essentials brand, sa Makati City. Pero hindi lang basta party ang ganap, dahil heto at malapit na ring matapos ang taping ng kanyang project na “Whispers From Heaven” kasama sina Tom Rodriguez, Cassy Legaspi, at Maricar Reyes. Sabi ni Bea, nasa last two days na lang sila ng taping para sa show na tatalakay sa mga isyu ng politika sa Pilipinas.
Special ang birthday na ito dahil ito ang unang pagkakataon na nag-celebrate siya bilang mises Co. Matatandaang ikinasal ang dalawa sa isang surprise civil ceremony noong July.
Kailan pa ba tayo magkakaroon ng ganitong level ng glow-up at hustle sa buhay?
