Alden Richards, nag-sponsor ng block screening para sa 'Red Crown'

Sponsored ni Alden Richards ang block screening ng pelikulang "Red Crown" para suportahan ang kanyang mga kapwa Kapuso artists. Para sa kanya, out of the box film to watch ang movie at showcase ito ng ganda ng mga Filipina, lalo na't nandoon ang mga pinakamagandang ladies ng GMA.
Kabilang sa mga dumalo sa screening ang mga stars ng movie na sina Sanya Lopez at Faith Da Silva, pati na rin si Sparkle star Glaiza De Castro at GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes. Dumalo rin ang mga Kapuso artists na hindi pa nakakapanood ng "Red Crown."
Ang "Red Crown" ay tungkol sa mundo ng pageantry pero dinala ito sa "bloody extreme" sa pamamagitan ng mga plot twists at unexpected cameos, habang nagbibigay ng commentary sa realidad ng mga beauty pageants.
Kasalukuyan itong ipinapalabas sa mga sinehan nationwide.
Sino kaya sa mga 'most beautiful ladies' ng GMA ang pinaka-nag-stand out sa movie?
