Gary V, KZ Tandingan, at Yeng Constantino, magsasama-sama para sa NYE party

Magpapasiklab ang mga OPM icons sa New Year’s Eve celebration sa Marriott Grand Ballroom ng Newport World Resorts sa Pasay City sa December 31, 2026. Ang event na pinamagatang "The Grand Countdown to 2027" ay may temang Dancing with the Stars, kaya asahan ang mga designated dance floors kung saan pwedeng humataw ang mga guests.
Siyempre, hindi papahuli ang mga headliners na sina Gary Valenciano, KZ Tandingan, at Yeng Constantino. Sasama rin sa lineup sina Gab Valenciano, Kiana V, AMP Big Band, JMRTN & The Retrospect Band, at ang MANOEUVRES para siguradong party vibes hanggang pagpasok ng bagong taon.
Kung plano niyo nang mag-secure ng slots, available na ang tickets sa Ticketworld. Medyo pricey ang entry dahil naglalaro ang presyo mula PHP 15,000 para sa Bronze tier hanggang PHP 25,000 para sa SVIP. May mga Silver, Gold, at VIP tiers din na pagpipilian.
Hindi lang music ang highlight dahil may special menu ring ihahanda ang culinary team ng Manila Marriott Hotel. Magbubukas ang mga pinto sa 7:00 PM, at ang mismong party ay magsisimula ng 8:00 PM hanggang 1:00 AM ng susunod na araw.
Balik-tradisyon ang Newport World Resorts sa annual musical celebration na ito. Noong 2025 show, naging bahagi ng event ang mga act na Cup of Joe, Bamboo, at Earl Agustin.
Let's be honest, PHP 25k para sa isang gabi? Sana kasama na dyan ang outfit at ang pamasahe pauwi para hindi na tayo stress sa traffic.
