Lorelaine Sañosa, naiyak matapos makatanggap ng birthday greeting mula sa anak

Hiyang-hiya na sa iyak si Lorelaine Sañosa matapos siyang sorpresahin ni Kuya ng isang video message mula sa kanyang anak na si Aifen. Sa episode ng “Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0” noong Biyernes, Nobyembre 20, nakita ang bata na kumanta ng “Happy Birthday” at nagsabing miss na niya ang kanyang nanay.
Na-touch na touch si Lorelaine at sinabing miss na miss na rin niya ang kanyang baby. Para sa kanya, double ang energy ng anak niya kaya naman napaka-bubbly nito. Proud na proud din siyang sabihing guwapo raw ang bata at kamukha niya.
Kinuwento rin ni Lorelaine na four years old na si Aifen at nag-aaral na. Naging nanay siya sa edad na 20 at isang buwan lang matapos manganak ay kailangan na niyang magtrabaho. Aminado siyang dumaan sila sa hirap sa pera noon, lalo na nang malugi ang business nila sa restaurant.
Mas mabigat pa ang pinagdaanan dahil inibunyag niya na wala na siyang kontak sa ama ng kanyang anak simula noong tatlong buwan pa lang ang bata. Bilang isang single mother, pangarap ni Lorelaine na magtagumpay para mabigyan ng magandang buhay ang anak at hindi na maranasan nito ang mga hirap na pinagdaanan niya.
Hindi lang video ang nakuha niya para sa kanyang birthday. Binigyan din siya ni Kuya ng special task kung saan kailangan niyang gumawa ng sariling choreography para sa theme song na “Pinoy Ako”.
Dahil naging successful ang kanyang task, reward niya ang isang private birthday celebration sa PBB penthouse. Pinili niyang isama si Bela Arcal para sa isang night of food, drinks, at heart-to-heart conversations. Nag-enjoy ang dalawa sa roasted chicken bago pa sumali ang iba pang female housemates para gawing isang fun girls' night ang party.
Nagsimula ang “PBB: Collab 3.0” noong October 24 kasama ang 16 na housemates. Sa ngayon, dalawa na ang na-evict na sina Ethan Benares at Calix Esguerra. Nakapanood tayo ng ganitong drama, pero sana all may ganyang cute na anak na nag-greet!
