H.E.R. at Liza Soberano, magkasama sa DreamWorks’ Forgotten Island

Kuwentuhan ang naging vibe sa pagitan nina Scott Mantz, writer-director Joel Crawford, at singer-songwriter na si H.E.R. para pag-usapan ang kanilang original animated film na Forgotten Island. Dito, ibinahagi nina Crawford at H.E.R. ang personal nilang koneksyon sa kultura at mitolohiya ng Pilipinas, pati na ang themes ng pelikula tungkol sa alaala at pagkakaibigan.
First animated feature ito para kay H.E.R., at hindi lang acting ang ginawa niya dahil siya rin ang lumikha ng original song ng film na pinamagatang “BRB.”
Sa plot naman, ang kuwento ay tungkol sa lifelong best friends na sina Jo (H.E.R.) at Raissa (Liza Soberano). Nadiskubre ng dalawa ang isang mysterious portal papunta sa isang fantastical island na puno ng mga mythical creatures mula sa kanilang Filipino heritage. Pero may catch: para makauwi sila, kailangan nilang isakripisyo ang mga alaala nila tungkol sa isa't isa. Kaya naman, kailangang humanap ng paraan ang dalawa para makabalik sa bahay bago tuluyang mawala ang kanilang friendship.
Ang Forgotten Island ay isang 2026 American animated fantasy adventure comedy mula sa DreamWorks Animation na set noong 1990s sa Pilipinas. Bukod kina H.E.R. at Liza Soberano, kasama rin sa voice cast sina Dave Franco, Jenny Slate, Manny Jacinto, Dolly de Leon, Jo Koy, Ronny Chieng, Kevin McCann, at Lea Salonga.
