Korina, Ruffa, John, at Cristina, putol na ang ties sa isang wellness clinic

Tapos na ang endorsement ties nina Korina Sanchez, Ruffa Gutierrez, John Estrada, at Cristina Gonzalez sa BRM Centers OPC at VMP Medical, Inc., na siyang nagpapatakbo ng VMP Regenerative Clinic.
Sa statement na inilabas ni Atty. Reginald Tongol noong Biyernes, November 20, sinabing nagsimula ang mga private written demands noong October 13, 2026. Pero dahil hindi raw tinanggal ng clinic ang kanilang mga imahe at na-expose pa sila sa mga cease-and-desist notices mula sa EW Villa Medica Germany noong November, napilitan silang maglabas ng public notice.
Ang gulo rito, nilinaw na kasi ng EW Villa Medica Germany ilang buwan na ang nakalipas na wala na silang kinalaman sa VMP Medical, Inc. at mga clinic nito. Ayon kay Atty. Tongol, pumayag lang ang apat na i-promote ang wellness services dahil sa written warranty ng VMP na authorized clinic sila ng EW Villa Medica Germany at sumusunod sa batas ng Pilipinas.
Hindi raw alam ng mga celebrity na itinakwil na pala ng European Wellness Biomedical Group ang BGC clinic ng VMP at idineklara na ang mga treatments sa Manila simula noong 2025 ay hindi allegedly genuine EW Villa Medica products.
Binigyang-diin din ng legal counsel na walang kinalaman ang mga endorsers sa management, procurement ng biological materials, o medical operations ng clinic. Wala rin daw silang koneksyon sa mga alleged operational at treatment irregularities na lumabas kamakailan.
Sabi ni Tongol, kept in the dark just like the public ang mga celebrity kaya humiling sila ng complete documentation mula sa clinic tungkol sa mga services na binigay sa kanila. Reserved na rin ang lahat ng legal options nila tungkol sa paggamit ng kanilang mga pangalan at photos.
Hinahayaan na nila sa mga kinauukulang awtoridad ang anumang imbestigasyon sa practices ng clinic. Hindi pa rin daw nasasagot ang kanilang mga tanong matapos ang ilang linggong private outreach. Gusto lang nilang malaman ng publiko na wala na silang kinalaman sa VMP.
