MAD PhilippinesMusika, showbiz at pop culture
Entertainment

Sunshine, magiging immersive stage play na!

via Instagram @mariesteller

Gagawa ng immersive theater adaptation ang pelikulang “Sunshine” kung saan magiging choose-your-own-adventure ang experience ng mga manonood. Inanunsyo ni director Antoinette Jadaone na isa ito sa mga future projects ng Ilaya Ilaya, ang kanyang bagong women-led production outfit.

Ang gagabay sa stage adaptation na ito ay si director Mikko Angeles, na nakilala sa “Bar Boys: The Musical,” habang isinulat naman ito ni Mika Regis na humawak din ng “Unica Hijas.”

Siyempre, hindi kumpleto ang show kung wala ang original cast. Babalik sina Maris Racal, Elijah Canlas, at Xyriel Manabat para i-reprise ang kanilang mga roles. For the record, ito na ang magsisilbing theater debut nina Maris at Xyriel. Exciting 'to kasi mapapunta ang audience sa loob ng mundo ni Sunshine para mas mapalalim ang usapin tungkol sa agency, complicity, at choice.

Kahit hype na tayo, wala pa ring announcement kung kailan ang premiere date at kung sino pang mga artists ang sasama sa cast.

Para sa mga hindi pa nakaka-catch up, ang “Sunshine” ay tungkol sa isang batang gymnast na nabuntis ilang araw bago ang national team tryouts. Tinatalakay nito ang mga hirap na dinaranas ng mga Filipino athletes na gustong makipagkumpitensya sa international sporting events gaya ng Olympics.

Na-premiere ang film sa 49th Toronto International Film Festival noong 2024. Si Maris Racal naman ay nanalo ng Best Lead Performance ng 2025 sa 6th Pinoy Rebyu Awards noong June 22. Hindi rin siya tumigil doon dahil humakot pa siya ng isa pang Best Actress award sa 9th Entertainment Editors’ Choice Awards o The Eddys nitong July.

Kaya ready na ba kayong mag-decide para kay Sunshine? Kayo na ang bahala sa plot twist!

May impormasyon mula sa mga pampublikong mapagkukunan, Wikipedia, YouTube, Instagram at TikTok.