Baby boy na ang bagong addition sa pamilya nina Kai Sotto at Rere Madrid!

Omg, official na! Nagka-baby boy na sina Kai Sotto at Rere Madrid. Noong Tuesday, September 29, nag-post si Kai sa Instagram Stories ng litrato ng asawang si Rere na nasa hospital bed, at simpleng "TYL" lang ang caption niya. Sobrang soft hours talaga dahil nag-post din ang Kapuso celebrity na si Rere ng video kung saan dahan-dahan at ingat na ingat na karga ni Kai ang kanilang newborn. Kita rin sa video na hindi mapigilan ni Kai na ngumiti sa camera bago siya bumaling ulit sa kanyang anak.
Noong June, inanunsyo nilang inaasahan nila ang kanilang first child, at pagkaraan ng isang buwan ay ibinunyag nilang baby boy ang darating. Naalala tuloy namin 'yung kasal nila noong late May sa Neri's Secret Garden sa Alfonso, Cavite, kung saan sinabi ni Kai na pinakasalan niya si Rere na not just the love of my life, but my best friend, my peace, and my forever.
Kilig much sa bagong chapter na ito ng buhay nila. Ready na ba tayong lahat maging tita at tito sa baby boy na 'to?
