Direk Tonet Jadaone, may bago nang film studio!

Ipinakilala na ni Antoinette Jadaone ang kanyang bagong film studio, ang Ilaya Ilaya. Sa isang mini event sa Makati, binigyang-diin ng mga filmmakers, network executives, at mga aktor na ang mga kababaihan ang kinabukasan ng Philippine cinema.
Sa Instagram page ng studio, sinabing ang Ilaya Ilaya ay isang women-led film studio na binuo mula sa tunay na pagmamahal sa mga kwentong Pilipino. Naniniwala rin sila na kayang muling ma-in love ng mga Pinoy audience sa sariling sinehan.
Katuwang ni Direk Tonet sa pagpapatakbo ng day-to-day operations ang kanyang long-time collaborator na si Reign Anne De Guzman. Sa event, ibinida rin ang ilang projects na ginagawa na nila, gaya ng supernatural comedy na Chandra Catacutan And The Curse Of The Fuchsia Moon kung saan bida ang actress-comedian na si Eugene Domingo.
Kilala si Antoinette bilang creative force sa likod ng mga pelikulang That Thing Called Tadhana, Fan Girl, at ang coming-of-age sports movie na Sunshine na pinagbidahan ni Maris Racal.
Bukod sa paggawa ng movies, busy rin si Antoinette sa pag-shoot kasama si Direk JP Habac para sa kanilang Ang Walang Kwentang Podcast. Hindi lang ito ang side hustle niya dahil part owner din siya ng Basta Café na isang café-restaurant sa Quezon City.
Sana lahat ng studio ganito ka-empowered, 'di ba? Sino kaya ang susunod na magiging project nila?
