KZ Tandingan at TJ Monterde, na-spot sa adult toy shop sa Amsterdam

Kuwento ng singer na si KZ Tandingan ang nakakatawang karanasan nila ng asawang si TJ Monterde nang mapadpad sila sa isang adult toy shop habang nasa Amsterdam.
Sa latest episode ng “Gandang Gabi, Vice!”, nilaro ng couple ang “Trot or Charot.” Doon sinabi ni KZ sa mga host na nahuli raw silang bumibili ng adult toy. Akala ng mga hosts ay joke lang o 'charot' ito, pero kinumpirma ni KZ na 'charot with trot' talaga ang nangyari.
Sobrang lamig daw kasi noon sa Amsterdam at napadpad sila sa red light district. Dahil hindi nila inasahan ang tindi ng ginaw, pumasok na lang sila sa kahit anong tindahang bukas para lang magpainit sa heater.
Pansin ng salesperson na matagal na silang nananatili sa loob ng shop, kaya nilapitan sila nito para mag-offer ng tulong. Dito na nag-panic si TJ at kumuha ng random na toy para lang may masabi. Tinanong pa niya ang salesperson kung paano ito gamitin.
Ayon kay KZ, normal lang ang ganitong eksena para sa mga tao roon, pero hindi raw ito ganoon dito sa Pilipinas. Kahit sinabi pa nila sa salesperson na pag-iisipan muna nila ang pagbili, huli na ang lahat dahil may mga kapwa Pinoy na nakakita sa kanila sa loob ng store.
Na-engage sila noong 2019 at ikinasal noong sumunod na taon. Magkasama rin silang gumawa ng hit song na “Palagi,” na isa sa mga theme songs ng “Hello, Love, Again.” Nitong August, binigyan naman ni TJ si KZ ng lote para sa kanilang dream house.
Sana all may dream house, pero 'yung panic ni TJ sa adult shop? Ibang level ng awkward 'yun, 'di ba?
