Max Eigenmann, binuhusan ng pagmamahal ng 'The Master Cutter' fam para sa birthday niya

Todo ang pag-celebrate ng actress at singer na si Max Eigenmann sa kanyang birthday matapos siyang bahain ng heartfelt greetings mula sa mga celebrity friends at colleagues sa social media.
Isa sa pinaka-sweet na bumati ay ang fellow star sa The Master Cutter na si Max Collins. Tinawag pa ni Max Collins na "twin" si Max Eigenmann sa isang photo na pinost niya sa Instagram na may caption na, Happiest birthday twin! Me love you long time.
Hindi rin nagpa-huli si Max Eigenmann sa pag-reply at sinabing, nagpasalamat siya at sinabing mahal din niya ang kanyang "twin".
Sama-sama rin sa pagpapadala ng love ang actress na si Jo Berry at ang Sparkle child star na si Ericca Laude na nag-share rin ng kani-kanilang sweet messages para sa celebrant.
Kitang-kita na kahit scheming duo sina Martina (Max Eigenmann) at Red (Paolo Contis) sa drama series na The Master Cutter, opposite naman ang vibe sa totoong buhay dahil cherished personality pala si Max sa likod ng camera.
Para sa mga gustong humabol sa panonood, simulcast airing ang The Master Cutter gabi-gabi, 8 p.m., sa GMA, GTV, Heart of Asia, at I Heart Movies.
Sana all may "twin" na ganito ka-sweet, 'di ba?
