Uy Pilipins! Si Manny Pacquiao, nabanggit sa Marvel series na ‘VisionQuest’

Sino'ng mag-aakalang papasok si Manny Pacquiao sa mundo ng Marvel? Sa ikatlong episode ng series na “VisionQuest” na lumabas noong Miyerkules, Oktubre 21, nabanggit ang boxing icon sa isang conversation.
Nangyari ito matapos aksidenteng masugatan si Tommy Maximoff, na ginampanan ni Ruaridh Mollica, habang ginagamit ang kanyang powers sa isang vending machine. Noong chine-check siya ni Vision, na ginampanan ni Paul Bettany, sinabi ni Tommy na okay lang siya dahil isa siyang southpaw o left-handed fighter.
Dito na pumasok ang flex natin. Gamit ang tulong ni E.D.I.T.H. (Emily Hampshire), binanggit ni Vision si Pacquiao dahil sa kanyang powerful southpaw stance at ang mga achievements niya sa professional boxing na nagpabagsak sa maraming kalaban.
Manny Pacquiao, eight world titles, ang linya ni Vision sa episode. Let's be honest, deserve na deserve ang shoutout dahil siya lang ang boxer sa kasaysayan na nanalo ng world titles sa eight weight divisions.
Ang “VisionQuest” ay isang Marvel television series na naka-focus kay Vision at kasalukuyang nina-stream sa Disney+. Ito ang pangalawang spin-off ng “WandaVision,” kasunod ng “Agatha All Along.”
Hindi ito ang unang beses na nagpakita ng Filipino representation ang MCU. Sa “The Falcon and the Winter Soldier,” narinig ang kanta ni Shanti Dope na “Amatz.” Nandiyan din si Jacob Batalon, ang Filipino-American actor na gumaganap bilang Ned Leeds sa mga “Spider-Man” films.
Sana next time, may guest appearance na talaga! Sino kaya sa mga Pinoy celebrity ang bagay maging sidekick ni Vision?
