Robi Domingo at John Lloyd Cruz, okay na raw after wedding clash

Kumpirmadong patched up na sina Robi Domingo, ang host ng Pinoy Big Brother, at aktor na si John Lloyd Cruz. Sa interview ni Robi sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 20, sumagot siya ng “yes” nang tanungin kung naayos na ba ang kanilang differences.
Nagpasalamat si Robi dahil gumawa ng effort si Cruz para ayusin ang gulo. Ayon sa kanya, I appreciate kuya Lloydie kasi he reached out to different managers in Star Magic para maayos at doon sa circle of friends namin. Okay na, all is well, sabi pa niya.
Binalik nito ang usap-usapan noong January 2026 tungkol sa isang tense encounter sa wedding reception nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo. Ang kasal ay naganap noong December 22, 2025, kung saan si Robi ang host ng dinner at guest naman si Cruz.
Ano nga ba ang pinagmulan ng gulo?
Sa vlog ni Ogie Diaz, nabalitang na-offend daw si Cruz nang tanungin ni Robi si Zanjoe kung ano ang feeling na maging “Mr. Atayde,” matapos tanungin si Ria tungkol sa pagiging “Mrs. Marudo.”
Sabi sa mga reports, naging "quite a scene" ang nangyari sa afterparty dahil nagtaas daw ng boses si Cruz kay Robi, kaya kailangan pang mamagitan ng ilang guests para kumalma ang sitwasyon. Pero don't worry, dahil hindi naman daw na-offend sina Atayde at Marudo sa tanong ni Robi at hindi ito ginawang issue.
Ang side naman ni Ria Atayde
Noong January, sa isang special screening ng kanyang MMFF entry na “I’mPerfect,” sinabi ni Ria na hindi naman nadistorbo ang kanilang wedding celebration dahil sa nangyari.
If something happened between them, they kept it away from me. It wasn’t something that disrupted the event or anything, it went very smoothly. It was a beautiful night, paliwanag ng actress.
