Bubble Gang, binigyan ng special citation para sa ika-31 anniversary

Siyempre hindi mawawala ang celebration dahil nakakuha ng special citation ang Bubble Gang sa Best Comedy Program category mula sa Catholic Mass Media Award. Sakto ito sa pag-marka ng show sa kanilang ika-31 year sa telebisyon.
Todo ang saya ni Michael V. at ng buong Batang Bubble team sa nakuhang recognition. Sabi ni Direk Bitoy, tuloy-tuloy lang ang pagpapatawa at pagpapapasaya nila sa mga Kapuso at sa lahat ng tao sa buong mundo, kaya laking pasasalamat niya sa parangal.
Para kay Sparkle comedienne Chariz Solomon, utang nila ang longevity ng show sa kanilang creative team. Ayon sa kanya, mahirap makabuo kung 31 times ka nag-anniversary, kaya saludo siya sa kanilang creative team.
Para naman sa mga nag-aabang ng kulitan, may part two pa ang Bubble Gang: TRENDTA'Y UNO na mapapanood sa 25 October. Ibinunyag ni Bitoy na magiging guest nila si Apl.de.Ap sa Istambay. Nandiyan din si Gladys Reyes at ang dati nilang Ka-Bubble na si Wendel Ramos.
Abangan ang finale presentation para sa kanilang 31st anniversary sa Linggo ng gabi, 6:20 p.m. Sino kaya ang susunod na mag-iistambay?
