Xyriel Manabat at Sassa Gurl, nag-bakbakan para sa Best Actress ng Puregold CinePanalo

Naglabas na ng listahan ng nominees para sa top performance prizes ng Puregold CinePanalo Film Festival si festival director Chris Cahilig via isang livestream sa official Facebook page ng festival.
Sa Panalong Aktres category, naging intense ang labanan dahil dalawa lang ang nominees: ang actress na si Xyriel Manabat para sa "Stuck on You" at ang comedian at vlogger na si Sassa Gurl para sa "Multwoh (Patay na Patay Sa’yo)." Iba ang pinanggalingan ng career path ng dalawa, pero pareho silang nakipag-bakbakan para sa titulo.
Hindi rin biro ang kumpetisyon sa Panalong Aktor category. Kabilang sa mga nominees ang award-winning actor na si John Arcilla para sa "Beast," kasama sina Joross Gamboa para sa "Wantawsan," Ian Pangilinan at Khalil Ramos para sa "Patay Gutom," Joao Constancia para sa "Multwoh (Patay na Patay Sa’yo)," at sina Perry Dizon at Juan Karlos Labajo para sa "Mono No Aware."
Kahit sa student shorts competition, ramdam ang pressure. Kasama sa mga nominees ang veteran actor na si Soliman Cruz at iba pang emerging actors mula sa 19 student films na naging bahagi ng festival.
Sabi nga, walang easy win dito dahil nagtagisan ang mga seasoned performers, established stars, at ang bagong henerasyon ng mga aktor. Nakatakdang ihayag ang mga nanalo sa Puregold CinePanalo Awards Night sa Gateway Cineplex 18 sa 30 September.
Sino sa tingin niyo ang deserve talaga manalo sa lineup na 'to?
