Sana all mura: FDCP chair, gustong pababain ang presyo ng cinema tickets

Diretsong hirit ang ginawa ni FDCP Chairperson Dir. Jose Maria “Joey” Reyes nitong Miyerkules, 21 October 2026. Para sa kanya, dapat nang babaan ang presyo ng cinema tickets para ma-encourage ang mga Pinoy na manood ulit ng movies sa malalaking screen.
Nanggaling ang pahayag na ito sa harap ng Senate committee on public information and mass media hearing tungkol sa mga panukalang bill para itatag ang National Film Commission. Dito, kinuwestiyon ni Reyes ang isang partikular na measure, ang Senate Bill No. 479, na nagmumungkahi ng special film commission tax na P2 bawat ticket sa loob ng 20 years para pondohan ang komisyon.
Tinanggihan ni Reyes ang panukalang buwis. Alam mo sen, dapat nga bawasan yung presyo ng ticket, hindi dagdagan. Dapat bawasan yung presyo ng ticket… Wag na lang sen, ang sabi niya kay Sen. Robin Padilla, ang head ng Senate panel.
Sa tingin ni Reyes, hindi kailangang kumuha ng pera sa mga tickets dahil may budget naman talaga na ina-allocate para sa komisyon. Aniya, dapat humanap ng ibang paraan ang gobyerno para sa pondo dahil ang priority ay dapat manood ang tao ng sine, at mangyayari lang 'yun kung bababa ang presyo ng ticket.
Sinabi naman ni Siguion-Reyna na agree sila na dapat humanap ng paraan para hindi na itaas ang presyo, at kung maaari pa nga ay maibaba ito.
Let's be real, sino ba namang hindi mabibigla sa presyo ng tickets ngayon? Sana talaga mapakinggan 'to para hindi na lang puro trailer ang napapanood natin sa YouTube.
