Prime Video, itinaas na ang monthly subscription fee

Mas mahal na ang panonood sa Prime Video dahil itinaas na nila ang monthly subscription rate sa P249. Ang price hike na ito ay epektibo noong October 21.
Bakit biglang nagmahal? Sabi ng platform, kailangan daw ito para sa patuloy na investment sa regional Amazon content at programming. Kasama rin dito ang mga Filipino productions na paparating pa lang, mga Hallyu titles, at ang acquisition ng sports content gaya ng NBA coverage.
Pero kung ayaw niyo ng monthly na bayaran, may option pa ring annual subscription fee sa halagang P1,669 kada taon. Kung itatapat ito sa monthly, lumalabas na nasa P139 lang ito kada buwan, na mas mataas kumpara sa dating annual fee na P1,390.
Kung monthly payment ang gagamitin niyo, aabot sa P2,988 ang babayaran niyo sa loob ng isang taon. Ibig sabihin, makakatipid kayo ng hanggang P1,319 kung kukuha kayo ng annual plan.
Para naman sa mga existing subscribers, hindi agad-agad ang bagsak ng bagong presyo. May one-month reprieve sila kaya sa November 21 pa magsisimula ang charge ng bagong rate.
Nag-confirm din ang Prime Video na kahit tumaas ang presyo, walang mababago sa features o service tiers ng platform.
Kayo, mag-sstay pa ba kayo o lilipat na sa ibang app?
