MAD PhilippinesMusika, showbiz at pop culture
Showbiz

Josiela Mae Lagrimas, bagong bet ng Pinas para sa Miss Intercontinental

via Instagram @josielamaelagrimas

Si Josiela Mae Lagrimas na ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Intercontinental. Ang taga-Laoang, Northern Samar na ito ay kinoronahang Mutya ng Pilipinas-Intercontinental noong Oct. 14 sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.

Tinalo niya ang 36 na iba pang aspirants mula sa iba't ibang panig ng bansa at overseas Filipino communities. Siya ang papalit kay Christina Vanhefflin, na naging Miss Intercontinental fourth runner-up.

Susubukan ni Josiela na makuha ang Miss Intercontinental title limang taon matapos ang panalo ni Binibining Pilipinas Cinderella Faye Obeñita, ang ikalawang tagumpay ng Pilipinas. Si Karen Gallman naman ang unang Filipina na nanalo sa pageant noong 2018 competition na ginanap sa Manila noong January 2019.

Kasalukuyang nagdiriwang ng 58th anniversary ang Mutya ng Pilipinas, ang ikalawang pinakamatanda at longest-running na national beauty contest sa bansa. Ang 2026 competition ay ang ika-55 edition nito.

Kaya na ba natin ang third win, girls?

May impormasyon mula sa mga pampublikong mapagkukunan, Wikipedia, YouTube, Instagram at TikTok.