RabGel, hindi lang basta love team!

Matapos ipalabas ang huling episode ng hit drama series na “Dating Alys Perez” nitong September, pinatutunayan nina Rabin Angeles at Angela Muji na hindi lang sila basta love team.
Kamakailan lang, rumampa ang dalawa sa PPOP IT UP: Sweet Spot Edition para sa isang meet and greet kasama ang mga fans. Hindi sila nag-iisa dahil kasama rin nila ang iba pang cast ng DAP na sina Zeke Polina at Miko Chua. Dito rin nila pinakita ang kanilang moves sa isang song and dance number gamit ang “Alam Ko Na” ng DENY at isang dance cover ng “Bad.”
Pero steal the spotlight talaga si Angela Muji dahil nag-solo dance performance pa siya at nagpakitang-gilas sa isang emotional rendition ng classic OPM hit na “Bakit.” Abangan natin dahil ilalabas na niya ang kanta na ito soon.
Sa finale conference ng 16-episode series na DAP, na sequel ito ng sikat na “Seducing Drake Palma,” sinabi ni Muji na excited na siyang bumalik sa kanyang musical roots ngayong tapos na ang shooting para sa TV adaptation ng wattpad hit.
At para sa mga nagtatanong kung kailan uli sila magsasama, may good news! Sa finale screening na ginanap sa Quezon City, ibinunyag ni Muji na muli silang magte-team up ni Angeles, pero sa pagkakataong ito, isang romcom na ang gagawin nila.
Sana lang ay kasing-lakas pa rin ng DAP ang chemistry nila rito dahil mukhang hindi pa talaga kami maka-move on sa RabGel era.
