Willie Revillame, babalik na ba sa GMA?

Nag-viral ang Instagram post ni Atty. Annette Gozon-Valdes, ang GMA Senior Vice President at head ng GMA Pictures at Sparkle Artist Center, kung saan kasama niya sa photo si Willie Revillame. Ang caption? Isang salita lang: “ABANGAN.”
Siyempre, hindi pwedeng hindi mag-react ang mga netizens. Agad na kumalat ang mga tanong kung babalik na ba si Willie sa GMA Network at kung ibabalik rin ba ang game show niyang “Wowowin.”
Para malinaw, naging bahagi ng GMA ang Wowowin noon pero hindi na ni-renew ni Willie ang contract niya noong 2022. Lumipat siya sa ALLTV at nakipag-collab din sa TV5. Pero dahil sa photo kasama sina Joy Marcelo at Tracy Garcia mula sa Sparkle GMA Artist Center, uminit ulit ang speculations.
Tinanong ng isang entertainment writer ng Bandera si Ms. Annette via Messenger kung babalik si Willie sa GMA. Sagot niya: Willie R, exploring pa kami pero movie. Nang tanungin naman kung may pag-asang bumalik ang program niya sa network, sumagot si Gozon: As of now, wala pa.
Sa ngayon, wala pang official statement si Willie Revillame tungkol sa meeting na ito, pero ramdam na ang excitement ng mga fans para sa anumang collaboration nila.
Bukod sa showbiz, may mga bulong-bulong din na balak tumakbo ni Willie bilang Mayor ng Quezon City sa 2028 elections. Tahimik naman ang host tungkol dito, pero tandaan nating sinubukan na niyang sumubok sa 2025 elections noong tumakbo siyang senador, though hindi siya nagtagumpay.
