Will Ashley at Best Supporting Actor, tie naman sa Best Actor at Actress sa 49th Gawad Urian

Hataw ang Kapuso actor na si Will Ashley matapos siyang hirangin bilang Best Supporting Actor sa 49th Gawad Urian. Nakuha niya ang award para sa pagganap niya sa 'Bar Boys: After School,' na sequel ng sikat na 2017 film na 'Bar Boys.' Marami ang naantig sa pagganap niya bilang working student na pilit na nag-su-survive sa law school para masuportahan ang pamilya.
Nag-tie naman sa Best Actor category sina Carlo Aquino para sa 'Bar Boys: After School' at Jericho Rosales para sa historical biopic na 'Quezon.' Ganoon din ang nangyari sa Best Actress kung saan hati nina Maris Racal ('Sunshine') at Odette Khan ('Bar Boys: After School') ang tropeyo.
Jennica Garcia naman ang nanalo bilang Best Supporting Actress dahil sa kanyang role sa 'Sunshine.' Pagdating naman sa technical side, napunta ang Best Cinematography kay Pong Ignacio para sa 'Quezon,' at Best Music naman kay Jerrold Tarog para sa parehong pelikula.
Sa screenplay category, nanalo si Renei Dimla para sa 'Republika ng Pipolipinas.' Ang 'Bloom Where You Are Planted' naman ay tinanghal na Best Documentary at Best Picture.
Isang special recognition naman ang ibinigay kay actress at director na si Laurice Guillen na nakatanggap ng Natatanging Gawad Urian para sa kanyang lifetime achievement. Ang awarding ceremony ay ginanap noong 8 October 2026 sa Teresa Yuchengco Auditorium sa De La Salle University-Manila.
Sino sa mga nanalo ang feeling niyo ay deserve talaga ang trophy?
