Agot Isidro, proud senior citizen na at ayaw ng bad vibes

Tanggap na tanggap at niyayakap ni Agot Isidro ang pagiging senior citizen ngayong 60 years old na siya. Sa isang panayam sa Kapuso Showbiz News, sinabi ng actress-singer na darating naman talaga ang lahat sa puntong ito, kaya hindi siya naging in-denial sa kaniyang edad.
Para kay Agot, ang pag-embrace sa pagtanda ay nangangahulugang inalagaan niya nang husto ang kaniyang sarili. Kasama rito ang maayos na pagkain, regular na pag-e-exercise, at pag-yoga. Hindi rin niya nakakalimutan ang mental health breaks at pag-travel para mag-de-stress bilang preparasyon sa isang healthy senior life.
Walang takot o pag-inda ang aktres sa pagtanda. Para sa kaniya, dapat ay living life at explore lang. Wala na rin siyang pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao dahil napaliligiran siya ng mga taong nagmamahal sa kaniya. Sabi pa niya, may energy pa siya para magtrabaho kaya naman dini-dedma at pino-force field na lang niya ang mga masasamang energy para manatiling kalmado at payapa.
Blessed din daw siya sa kaniyang kalusugan kaya nakakapagbuhat pa siya dahil nagwe-weightlift siya, at nakakatakbo pa rin minsan. Dahil dito, mas open na rin siya ngayon sa mga roles na hindi tipikal na ina.
Kasalukuyang mapapanood si Agot sa pelikulang Filipiñana, sa Cinemalaya entry na “Mag-iina,” sa CinePanalo film na “Patay-Gutom,” at sa “Ganito, Ganyan, Ganoon” na available sa Netflix.
Sana all ganyan ka-chill at ka-fit pagdating ng 60, 'no? Kayo, ready na ba kayo sa senior citizen era niyo?
