Tom Rodriguez, magiging tatay ulit!

May bagong addition na naman sa pamilya ni Tom Rodriguez! Inamin ng Kapuso actor sa GMA Fanverse event noong Sabado, October 10, na buntis ang kanyang non-showbiz wife. Sa interview niya para sa “Balitanghali,” kinumpirma niya na baby boy ang kanilang second child at expected na isisilang ito sa March 2027.
Siyempre, hindi na bago kay Tom ang pagiging daddy. Noong 2024 pa lang, ni-reveal niya na may anak siyang lalaki na ang pangalan ay Korben, na anak niya sa kanyang partner na dalawang taon na niyang kasama noong panahong iyon.
Fast forward sa 2025, kinumpirma rin ni Tom na muli siyang nag-asawa, bagama”t pinili niyang panatilihing secret ang identity ng kanyang asawa. Dati siyang kasal sa aktres na si Carla Abellana.
Sabi pa niya noon, Hindi ko naman sila tinatago. Ang rule ko lang, I just wanna live my life privately pero we go out. Idinagdag niya na mas maganda ang pagiging pribado dahil nakakapaghiwalay siya ng trabaho at personal na buhay.
Kahit lowkey lang ang misis, todo support naman tayo sa paglaki ng family nila. Ready na ba ang lahat sa baby shower?
